
Magandang araw po!
Inaabisuhan po ang lahat ng mga magulang at lahat ng mga Grade 11 learners na nagnanais mag-avail ng Senior High School Voucher Program (SHS VP) para sa School Year 2026–2027.
Para sa mga mag-aaral na kabilang sa Category A, B, C, at D, kinakailangan pong mag-apply nang direkta sa isang Senior High School (SHS) na kalahok sa SHS Voucher Program. Huwag po kayong mag-alala dahil ang Northlink Technological College ay isa sa mga paaralang kalahok sa SHS Voucher Program sa ilalim ng PEAC.
Para naman sa mga mag-aaral na kabilang sa Category E, ang aplikasyon ay isasagawa sa pamamagitan ng Online Voucher Application Portal (OVAP) sa: ovap.peac.org.ph
Mahalagang Paalala:
Ang lahat ng aplikante ay kinakailangang magsumite ng kumpleto at wastong mga dokumento sa panahon ng aplikasyon, maging ito man ay sa paaralang kalahok sa SHS VP o sa OVAP.
Higit sa lahat, huwag po kayong mabahala o mag-alala. Ang mga mag-aaral na kabilang sa Categories A, B, C, D, at E ay mga benepisyaryo pa rin ng SHS Voucher Program.
Ang layunin lamang ng bagong prosesong ito ay upang maayos na ma-validate at maitala ang kanilang pagiging kwalipikado sa programa.
Mangyaring tingnan ang kalakip na mga infographics/art cards para sa kumpletong listahan ng mga kinakailangang dokumento para sa bawat learner category (A hanggang E).
Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan at patuloy na suporta upang matiyak ang maayos na aplikasyon ng ating mga mag-aaral.
Source: PEAC Official Website https://peac.org.ph/shs-voucher-program-applications-for…/











